HomeCelebritiesJohn Amores, mabigat umano ang problema kaya nagwala sa court: "Hindi ko...

John Amores, mabigat umano ang problema kaya nagwala sa court: “Hindi ko rin po inaasan na mangyayari”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang dating Jose Rizal University (JRU) player na si John Amores at ipinaliwanag kung bakit nga ba ito nagwala sa laban nila sa College of Saint Benilde.

Nitong Nobyembre 20, ibinihagi ni Amores sa panayam sa kanya ng Playitright TV ang kanyang mga pinagdadaanan problema sa buhay na naging dahilan para mawala ang kanyang sportsmanship.

Ayon sa kanya ay marami umano siyang personal na problema na pinagdadaanan at naipon na lamang ito ng naipon ng hindi niya nasosolusyunan.

john amores 5

“Siguro po dala na rin siguro ng mga problema ko nung mga nakaraan just a few days. May dinadala lang ding problema and syempre nape-pressure na rin po na halo-halo na po, emotional,” kwento ni Amores.

“Hanggang sa, sumabog na lang, hindi ko rin po inaasahan na mangyayari siya eh,” dagdag pa nito.

Kwento pa nito ay mayroon siyang problema sa kanyang pamilya at nakadagdag pa dito na hindi niya nakakasama ang kanyang baby na 1-year and 7 months.

john amores crying scaled

“Ang pinakaano ko po kasi yung sa family ko, yung problema ng family ko. Halo-halo na lang din po eh. Yung sa baby ko nga rin po, hindi ko po siguro nakakasama kasi noong sinilang din po siya, ako din po yung nag-alaga. Hindi lang din po siguro ako nasanay na hindi siya kasama.” aniya.

Sinabi pa niya na hindi niya rin maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang katindi ang kanyang naging emosyon.

Matatandaan na ang ginawa ni Amores sa mga miyembro ng College of Saint Benilde ay lalo lamang nagpadagdag sa kanyang problema, imbis na makabawas.

Umaasa naman ang mga fans ni Amores na malalagpasan nito ang kanyang mga problema, kasama na ang demanda na kinakaharap niya ngayon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular