HomeInternationalIsang TikToker, pina-tattoo ang mukha ng kanyang ex-boyfriend matapos siya nitong lokohin

Isang TikToker, pina-tattoo ang mukha ng kanyang ex-boyfriend matapos siya nitong lokohin

Ilang netizens ang pinag-uusapan ngayon sa social media ang ginawa ng isang TikTok user matapos nitong magdesisyon na ipa-tattoo ang mukha ng kanyang ex-boyfriend matapos siya nitong pagtaksilan.

Nakilala ang babae na si Narally Najm na kilala sa TikTok sa kanyang pagbabahagi ng mga update tungkol sa kanyang pamilya, kasama na ang kanyang ex na si Laura.

Makikita sa isa niyang video na ibinahagi ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Laura.

narally 2
Larawan mula kay @narallynajm13/TikTok

Ibinahagi din nito sa kanyang page ang mensahe niya matapos niyang malaman na niloloko pala siya ng kanyang dating partner sa gitna pa naman ng kanyang panganganak.

“Thinking we were the perfect family. Just gave her a son a week ago, we bought a home and everything seemed so real… Just to find out she been cheating… Even while I was in labour.” ani Narally.

Ipinakita naman ni Narally sa kanyang mga fans ang nasabing tattoo.

“When everyone is jealous of me because I have DADDY’S face tatted on me even though DADDY cheats.” sabi niya.

Ipinakita rin nito na mayroon pa siyang ipinadagdag na tattoo sa kanyang leeg.

tatto 3
Larawan mula kay @narallynajm13/TikTok

“Daddy DADDY DADDY! [I don’t care] WE NOT TOGETHER AND THIS IS WHAT I WANT.”

Maraming netizen naman ang tingin ay kailangan ng magpatingin ni Narally dahil sa kanyang ginagawa.

Ilan din sa kanila ang binatikos ang tattoo artist na pumayag na gawin ito kay Narally.

Ibinahagi rin nito na may tattoo din siya ng pangalan ng kanyang ex sa kanyang pribadong parte.

Sa ngayon ay milyon milyon na ang nakukuhang views ng TikToker sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular