HomeSocial MediaAma ng batang chess champion na si Bince Operiano, hindi susuko sa...

Ama ng batang chess champion na si Bince Operiano, hindi susuko sa pagsuporta kahit mahirap lang sila

Ikinuwento ni Ben Operiano, ama ng batang chessmaster na si Bince Rafael Operiano kung gaano katindi ang hirap na kanilang naranasan bago ang nangyaring kompetisyon na ginanap sa Thailand.

Sa panayam sa kanya ni Papa Caloy nitong Nobyembre 15, ibinahagi ni Mr. Operiano na pumunta sila sa Ninoy Aquino International Airport ng walang kasiguraduhan kung makakasali ba sila sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship.

Matatandaan na sa ilang ulat ay tatlong araw natulog sa paliparan ang mag-ama habang hinihintay ang tulong mula sa gobyerno.

vince 1

“Bumiyahe kami papuntang Manila ng walang kasiguraduhan kung talagang makakasali po siya at makakasama ako,” aniya.

Sa ngayon ay walang trabaho si Mr. Operiano dahil sa tinututukan nito ang career ng kanyang anak.

Bilang isang mahirap din ay idinadaan na lamang din ni Mr. Operiano sa ‘kapal ng mukha’ ang pagkuha niya ng tulong pinansyal para sa kumpetisyon ng kanyang anak at ng matupad nito ang kanyang pangarap.

“Kahit na mahirap tayo, alagan naman na [porket] wala tayong pang-suporta ay susuko na tayo.” ani Mr. Operiano. “Pakapalan na lang ng mukha, kakapalan na lamang natin ang mukha natin para masuportahan lamang po natin ang ating mga anak na may pangarap sa buhay,”

vince 5

Pangarap umano talaga ni Bince na maging isang chess grandmaster at maging isang sundalo.

Nanawagan din si Mr. Operiano na sana’y makahanap sila ng sponsor para hindi na makaranas pa ng paghihirap ang bata.

“Sana makahanap kami ng sponsor, para sana matulungan siya sa kanyang training.” aniya.

Kulang din umano sila sa kagamitan katulad ng libro at iba pang equipments na magagamit ni Bince para sa kanyang pagsasanay.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular