HomeCelebritiesYorme Isko Moreno, gaganap na Ninoy Aquino sa susunod na pelikula ni...

Yorme Isko Moreno, gaganap na Ninoy Aquino sa susunod na pelikula ni Darryl Yap

Noon pa lamang ay naging usap-usapan na sa social media kung sino ang gaganap na Ninoy Aquino sa susunod na pelikula ng direktor na si Darryl Yap.

Nitong Nobyembre 18, ibinahagi ni Yap sa social media na napili na nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno para gumanap sa karakter ng dating senador na kilalang karibal noon sa politika ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Dahil sa tagumpay ng pelikulang Maid in Malacanang ay nagdesisyon ang direktor na gumawa ng pelikula na tungkol naman sa nangyari sa dating senador na nasawi noong Agosto 21, 1983.

Matatandaan na marami ang isinisisi kay Marcos ang nangyari kay Aquino ngunit itatama umano ng nasabing pelikula ang paniwala ng karamihan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Moreno kung bakit nito tinanggap ang nasabing role.

Pinuri naman ng mga netizens ang naging desisyon ni Yap na piliin si Moreno.

“Darryl Yap Another brilliant casting that only a brilliant and marketing genius director could think of. Making it a blockbuster movie and one of the highest grossing movie of all time is a foregone conclusion. Bravo!!!” sabi ng isang netizen.

“Let’s hope he can give justice to the character of their heroes.” wika ni Edel Baldueza.

“Nice cast, nice promotion and marketing strategy. Andami nanaman nitong manggagalaiti LOL,” saad ni Rica Ordinesa.

Hindi pa malaman kung babalik ba ang ilan sa mga cast ng Maid in Malacanang sa susunod na proyekto ni Yap katulad ni Giselle Sanchez na gumanap bilang dating pangulong Cory Aquino at Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos na magiging parte ng istorya ng dating senador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular