HomeSocial MediaVP Sara Duterte, binatikos ng ilang netizens dahil sa pagtigil nito sa...

VP Sara Duterte, binatikos ng ilang netizens dahil sa pagtigil nito sa pagtatalumpati para maglagay ng sunblock

Halos limang taon pa ang hihintayin bago mag 2028 ngunit tila game na game na ang ilang netizens na paulanan ng batikos si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Sa kanyang talumpati nitong Nobyembre 16 sa 120th founding anniversary thanksgiving at awarding event sa Department of Education (DepEd) Tarlac ay makikita na habang nagtatalumpati ang bise ay bigla nitong napansin na nakatutok siya sa araw.

Saglit muna nitong pinutol ang kanyang talumpati upang maglagay ng proteksyon sa balat.

“Sorry. I’m sorry, excuse me, hindi ako naglagay ng sunblock,” ani Duterte.

Makikita naman na natawa ang mga guro sa sinabing ito ng bise presidente.

Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang pagputol sa ni Duterte sa kanyang talumpati kahit na gaano pa ito kasaglit.

“Sara Duterte just immediately took a break from her speech just to apply sunblock anong behavior eto?? nasaan yung professionalism dun and a same woman who pushes for a mandatory ROTC,” sabi ni netizen @luffysally.

“Our standards are so low. Nakakaiyak. Ano ba naman yan compared sa mga hirap faced by our teachers on a daily basis.” ani JC Punongbayan.

Tila may pahaging din ang aktres na si Agot Isidro tungkol sa nasabing isyu matapos siyang magbahagi ng larawan ng sunblock na kanyang ginagamit.

sunblock 4

Si Duterte ay nakakuha ng 32-M na boto nitong nakaraang halalan kaya naman inaasahan ng ilan na siya ang posibleng manguna sa halalan 2028.

Kaya naman hindi maiiwasan na lahat ng mata ay nakatutok sa bise presidente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular