HomeCelebritiesVice Ganda, inamin na nami-miss na si Vhong Navarro: "Hinding-hindi ka namin...

Vice Ganda, inamin na nami-miss na si Vhong Navarro: “Hinding-hindi ka namin nakakalimutan.”

Nagbigay ng emosyonal na mensahe ang komedyante na si Vice Ganda para sa kanyang co-host sa noontime show It’s Showtime na si Vhong Navarro.

Nitong Nobyembre 19, sa ika-13 na anibersaryo ng It’s Showtime ay inamin ni Vice at ng ilang host na talaga namang ramdam nila ang pagkawala ni Vhong sa nasabing programa.

“Vhong, we miss you,” sabi ni Anne Curtis.

Dito na nagbigay ng mahabang mensahe ang komedyante para kay Vhong.

Umaasa si Vice na sana’y makasama pa nila muli si Vhong na humaharap sa patong patong na reklamo na maaring maglagay sa kanya sa selda ng ilang dekada.

“And Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw naalala ka namin. At araw-araw nagdadasal kami para sayo. Araw-araw isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos. Kasama ka namin dito at excited na kaming makasama ka pa naming muli dahil alam naming makakasama ka namin muli.” ani Vice.

“Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro. Ang tagumpay ng Showtime noon, ngayon at ang magiging tagumpay niya pa sa kinabukasan ay kasama ka Vhong Navarro,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI si Vhong at inaasahan na ililipat na ito sa BJMP sa mga darating na araw.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular