HomeSocial MediaTula ng isang estudyante tungkol sa teenage relationship, pinuri: "Kapag nabuntis ng...

Tula ng isang estudyante tungkol sa teenage relationship, pinuri: “Kapag nabuntis ng maaga, sa magulang ipapaalaga”

Viral ngayon sa social media ang tula na ibinahagi ng isang mag-aaral ng Salug National High School sa Zamboanga Del Norte dahil punong puno ito ng aral tungkol sa pagkakaiba ng mga kabataan noon at ngayon.

Sa video na ibinahagi ni teacher_katerinn makikita ang mag-aaral na si Delight Kim Betcher na ibinabahagi ang kanyang tula na tungkol sa malaking pinagkaiba ng bagong henerasyon ngayon.

Ilan sa mga binanggit nito ay ang maagang paghahanap ng karelasyon ng mga kabataan.

“Ang tanging problema lamang nila noon ay kung paano makakabili ng tsitsirya. Ngayon hindi daw sila mabubuhay kung walang jowa,” sabi niya.

“Labingtatlong taong gulang pababa halos lahat marunong na. Tapos kapag nabuntis ng maaga, sa magulang ipapaalaga,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din niya ang pagkakaiba ng ugali ng mga kabataan ngayon na tila hindi na nagpapakita ng respeto sa mga magulang.

Ayon sa guro ay isang araw lamang na preparasyon ang ibinigay kay Delight kaya naman kinailangan pa nitong basahin ang kanyang ginawang tula.

Milyon milyong views na ang nakuha ng nasabing post sa social media kung saan maraming netizen ang naka-relate.

“Ang galing. sana maging aral to sa mga kabataan. Ang ganda ng message,” sabi ni Tata Rodrigo.

“Tama noon pag may peso tuwang tuwa na kami makakabili na kami ng bobot ngayun jusko di na tumatanggap ng 20 gusto 100 ang baon,” wika ni jovaneongcoy.

“Sana lang tumatak sa kaisipan ng lahat ang katutuhanang pinamalas ni ineng isabuhay at alalahanin ang tamang pagiging matalino at masayahing BATA,” saad ni Joyce Holares.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular