HomeSocial MediaPCOO itinanggi na hinuli ang isa sa mga parte ng delegasyon ni...

PCOO itinanggi na hinuli ang isa sa mga parte ng delegasyon ni PBBM sa Bangkok dahil sa ‘pananantsing’

Todo tanggi ang isang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa ilang kumakalat na balita na hinuli ang isa sa mga miyembro ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa ulat ng Politiko, nagdulot umano ng kahihiyan ang asawa ni Presidential Management Staff Secretary Zenaida Angping na si dating Manila Congressman Harry Angping dahil umano sa pananantsing nito sa isang hotel staff sa Marriott Marques Queens Hotel sa Bangkok.

Ilang sources mula sa politiko ang nagkumpirma na ang 70-anyos nga na dating mambabatas ang hinuli umano ng mga otoridad.

harry c angping

Matatandaan na nanunuluyan sa nasabing five-star hotel ang si Pangulong Marcos kasama ang ilan pang miyembro ng delegasyon na kasalukuyang dumadalo para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit.

Ngunit ayon sa PCOO ay wala umanong katotohanan ang nasabing balita.

Si Angping ay naging chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) mula 2009 hanggang 2010 at naging kongresista din ng Manila mula 1998 hanggang 2004.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Angping tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya.

Ilang netizens naman ang umaasa na hindi totoo ang nasabing balita.

“As a Filipino, nakakahiya ito.” sabi ni netizen @6988Kid.

“I hope OIC Sec Gerafil will issue a statement. There are always speculations. If this was true, former Cong Harry Angping is worse than Jim Paredes.” wika naman ni @KUglyton.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular