HomeSocial MediaNext Wesley So? Netizens, dismayado na kinailangan ng 9-year-old chess champion na...

Next Wesley So? Netizens, dismayado na kinailangan ng 9-year-old chess champion na matulog sa airport ng tatlong araw

Ilang netizens ang dismayado sa naging rebelasyon ni Albay 3rd District Representative Fernando “Didi” Cabredo tungkol sa hirap na naranasan ng 9-year-old chess champion na si Bince Rafael Operiano.

Nag-trending sa social media si Bince matapos niyang matalo ang 20 na iba pang kalahok ng 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa under 10 years old category.

Ngunit ayon kay Cabredo ay napilitan matulog si Bince sa airport ng tatlong araw kasama ang kanyang ama dahil sa umano’y naantalang plane ticket mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

“Due to limited funds and while waiting for the plane ticket sponsored by the Philippine Sports Commission, Bince and his father spent 3 nights at the airport with those benches as their bed. The little boy had to travel first to Thailand without his father, Mr. Ben Operiano.” ani Cabredo.

“I was told by his mother that during the first day of the competition, the parents of the other participants saw the boy crying missing the company of his father.
Marami tuloy ang naalala ang nangyari noon sa grandmaster na si Wesley So na isang dating Pilipino at isa sa mga itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na chess player sa mundo sa panahong ito.” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong 2014 ay nilisan ni Wesley ang Pilipinas at inumpisahang i-representa ang America sa chess dahil sa naging pagtrato sa kanya ng PSC.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, nag-umpisang mawala ang kumpiyansa ni Wesley sa PSC ng manalo siya ng gold medal sa World Universiade Games sa Russia.

Naniniwala noon si Wesley na mabibigyan siya ng isang milyong piso dahil sa pagkapanalo niya ng gold medal sa ilalim ng RA No. 9644 o ang Athletes’ Incentives Act.

Ngunit sa pagkabigla ng chess grandmaster ay hindi ipinagkaloob sa kanya ng PSC ang isang milyon dahil hindi naman umano kasama ang World Universiade Games sa listahan na nakalagay sa RA No. 9644.

wesley so 1

Hindi rin nakatulong ang diumano’y pamumulitika na naranasan niya sa Philippine Olympic Committee.

“To be poor and unconnected in the Philippines is to be trash for rich people to step on,” sabi ni Wesley sa isang panayam.

“Because of a quarrel between the kings of the sports bodies, not only did the country refuse to acknowledge my efforts, they refused to give me the P1 million promised to athletes who bring home a gold medal.” dagdag pa niya.

Ilang buwan matapos itong mangyari ay lumipat na ng America si Wesley.

Nitong 2021 ay tinapos na ng chess grandmaster ang pag-asa na babalik pa ito sa Pilipinas ng siya ay magdesisyon na maging ganap na American Citizen.

vince 4

Bago ito maging American Citizen ay naglabas pa ng isang mensahe si Wesley.

“I am a true Filipino who cares about the future of Filipino children growing up in an endless cycle of corruption and zero opportunity,” wika ni Wesley.

“My heart aches for talented people there who because of poverty haven’t any hope for their futures.” dagdag pa niya.

Natatakot naman ang ilang netizen na baka ito rin ang mangyari kay Bince lalo na’t mula ito sa mahirap na pamilya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular