HomeCelebritiesMga vloggers at mga 'pitik', isinusulong ng ilan na ipagbawal sa Marilaque...

Mga vloggers at mga ‘pitik’, isinusulong ng ilan na ipagbawal sa Marilaque Highway

Nitong nakaraan ay nagdalamhati ang rider community matapos pumanaw ang isang mag-asawa habang binabagtas ang Marilaque Highway na nasasakop ng mga probinsya ng Laguna, Rizal at Quezon.

Ngunit ayon sa mga otoridad ay pang-sampu na pala ang mag-asawa ngayong taon na napahamak sa nasabing highway.

Hindi pa kasama dito ang daan daang motorcycle rider na dumadayo sa Marilaque na posibleng mapahamak din kung hindi sila mag-iingat.

Naniniwala naman ang ilang netizens na posibleng mabawasan ang mga nangyayaring disgrasya sa nasabing highway kung maalis ang mga vlogger at photographer o kung tawagin ay ‘pitik’ na nakatambay sa nasabing lugar.

Ayon kasi sa kanila ay maraming motorcycle rider ang nagpapasikat upang makuhanan sila ng magandang litrato.

Kung wala umanong nakuha ng litrato ay maaring mas maging maingat ang mga rider habang binabagtas ang Marilaque.

“Dapat magkaroon ng ordinansa ang munisipalidad na nakakasakop sa part na ito ng MARILAQUE na ipagbawal ang mga content creators na tumambay dito na nag aantay na may maaksidente at madidinig mo pa ang tawanan nila minsan kapag may natumba na kapwa nila kamote rider.” sabi ng isang netizen.

“Sa mga LGU’s,wag na po antayin na may mabanggang vlogger dyan,or worst mamatay dahil nabangga ng motorista na nawalan ng kontrol sa daan,bago pa magbaba ng ordinansa na bawal silang tumambay sa gilid ng kalsada para mag vlog.” dagdag pa niya.

“Daming super hero sa marilaque HAHAHAHAA dapat pati wala ng pitik dyan kase mga nag papapansin din yung mga rider para lang mapitikan,” ani netizen Jayzel Palo.

“Alam nyo kung ano yung dapat ipagbawal din sa marilaque? Yung mga pumipitik din. Kaya dumami mga kamoteng nagpapa Gcash jan eh alam nilang may taga pitik sa kanila,” wika naman ni Karlo Goylan.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang LGU ng Rizal, Laguna at Quezon kung ano ang magiging desisyon nila sa petisyon ng ilang netizen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular