HomeCelebritiesGuro sa Iloilo City, nagpa-quiz sa mga estudyante na ang kanilang gagamitin...

Guro sa Iloilo City, nagpa-quiz sa mga estudyante na ang kanilang gagamitin lamang ay dahon ng saging

Isang guro sa Iloilo City ang tinuruan ng diskarte ang kanyang mga estudyante na maari nilang magamit kung sakali na wala silang papel para sa quiz.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni teacher Neil Amaca na isang guro sa West Visayas State University – Calinog Campus ang kanyang pakulo para sa kanilang quiz.

Imbis kasi na papel ay dahon ng saging ang kanyang pinagamit sa kanyang mga estudyante para sulatan ng kanilang magiging mga sagot.

“BRING YOUR OWN DAHON” a quiz with a twist.” the instructor said.

Bago nila magamit ang mga dahon ng saging ay pinainit muna nila ito upang matanggal ang mga fungus na nakakabit dito at maging makinis.

Parte ang quiz ng Agri-120 Post Harvest Handling and Seed Technology subject nila.

Ayon sa instructor ay naisipan niya itong gawin dahil madalas ay walang papel ang kanyang mga estudyante kapag siya ay magpapa-quiz na.

Kaya naman tinuruan niya ang mga ito na makahanap ng alternatibong paraan para magkaroon ng susulatan ng kanilang mga sagot.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ng guro na nasusulatan naman ng ballpen ang dahon ng saging na inihanda ng kanyang mga estudyante.

Tinawag namang ‘resourceful’ at ‘eco-friendly’ ng mga netizens ang naging ideya ni Amaca.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular