HomeSocial Media9-anyos na chess champion na si Bince Operiano, inulan ng pagbati mula...

9-anyos na chess champion na si Bince Operiano, inulan ng pagbati mula sa mga opisyal ng gobyerno

Noong Oktubre pa lamang ay humihingi na pala ng tulong ang pamilya ni Bince Rafael Operiano upang makasali ito sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Thailand.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo Legazpi noon ay sinabi ng pamilya ni Bince na kinakailangan nila ng P200,000 para sa pagsabak sa kumpetisyon na hindi kayang pondohan ng kanilang pamilya.

Mabuti na lamang at may ilan na tumulong kay Bince upang magastusan ang kanyang pagpunta sa Thailand.

Isa na dito ang Lingkod Kapamilya na tumulong kay Bince para makakuha ng pondo para sa registration fee at accommodation.

Naglaan din ang Philippine Sports Commission (PSC) ng plane ticket para sa bata ngunit nadelay ito ng tatlong araw kaya’t napilitan matulog si Bince sa airport.

Mag-isa rin itong lumipad papuntang Thailand dahil narin sa problema sa budget.

Ibinahagi din ni Albay 3rd District Representative Fernando “Didi” Cabredo na nakitang umiiyak si Bince sa unang araw ng kompetisyon dahil sa wala itong magulang na kasama sa Thailand.

316231916 685481666278191 7775053084282968032 n

Natalo rin ito sa kanyang mga unang laban dahil sa sobrang naging epekto ng pagiging mag-isa niya sa ibang bansa.

Mabuti na lamang at nakasunod ang kanyang ama sa Thailand kung saan nagkaroon muli ng kumpiyansa sa sarili ang chess champion at naging sunod sunod na ang panalo nito.

Sa ngayon ay maraming politiko na ang nagbigay ng pagbati kay Bince kasama na sina House Speaker Martin Romualdez.

“Nakaka-proud maging Pinoy!” ani Romualdez sa kanyang post.

Ginawa rin ng House Resolution No. 542 ng Ako Bicol Party-list para bigyan ng pagkilala si Bince sa kanyang ibinigay na karangalan sa bansa.

Ilang netizens naman ang dismayado dahil sa ginawang pagtrato ng gobyerno sa chess champion.

Kinuwestiyon nila kung bakit hinayaan lamang ng gobyerno na matulog sa airport si Bince at ngayong nanalo na ito ay saka lamang siya papansinin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular