HomeCelebritiesVice Ganda, nagbigay ng P300,000 na Christmas bonus para sa staff ng...

Vice Ganda, nagbigay ng P300,000 na Christmas bonus para sa staff ng Showtime

Inanunsyo ni ng komedyante na si Vice Ganda ang isang supresa para sa mga staff ng noontime show na It’s Showtime.

Sa 13th anniversary episode ng nasabing programa, sinupresa ni Vice ang mga bumubuo ng It’s Showtime kung saan ay sinabi nito na bibigyan niya ng P300,000 na Christmas bonus ang mga staff nila.

Ibinihagi din ni Vice ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa mga staff ng nasabing programa.

“Maraming, maraming salamat. Napakalaki ng ginagawa niyo para sa programang ito. I would personally like to apologize kung meron tayong minsan hindi pagkakaunawaan,” ani Vice.

“Lahat ‘yun, nangyayari lang dahil pinpilit nating gampanan ang ating mga obligasyon para sa program, sa audience natin, sa network. Lahat naman ng iyon, all coming from love. Hindi maiiwasan iyon sa isang pamilya,” dagdag pa niya.

Ikinagulat naman ng mga staff ng 300 na trabahador ng It’s Showtime ang P300,000 na pangako ni Vice para sa kanila.

Ang ilan ay napasigaw sa sobrang tuwa habang ang ilan naman ay napaiyak na lamang dahil sa hindi inaasahang regalo sa kanila.

Mangagaling sa sariling bulsa ni Vice ang nasabing pera.

Lagi naman itong ginagawa ng komedyante kada taon bilang pasasalamat sa bumubuo ng ikalawang tahanan niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular