HomeCelebritiesToni Gonzaga, nag-alay ng dasal para kay Vhong Navarro: "Sana mapabilis 'yung...

Toni Gonzaga, nag-alay ng dasal para kay Vhong Navarro: “Sana mapabilis ‘yung nangyayari,”

Ibinahagi ni Toni Gonzaga ang kanyang mensahe para sa dati niyang leading man na si Vhong Navarro na kasalukuyang nakapiit ngayon dahil sa patong patong na reklamong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa press conference para sa kanyang gaganapin na 20th anniversary concert ay sinabi ni Toni na ipinagdadasal niya si Vhong at ang hiling niya ay sana’y mapabilis na ang paglilitis sa kaso ng komedyante.

vhong and toni

“I continue to pray for him just like all of us in the whole industry, we are continuing to pray for him, wishing him for safety. Sana mapabilis ‘yung nangyayari,” ani Toni.

Hindi rin umano maiwasan ni Toni na malungkot sa nangyayari sa komedyante na naging partner niya sa pelikulang D’Anothers (2005) at My Only You (2008).

Ayon sa kanya ay wala naman siyang magagawa kundi ang magdasal na lamang para kay Vhong.

Matatandaan na hindi maganda ang nagiging resulta ng paglilitis kay Vhong dahil sa iniutos na ng korte ang paglipat sa komedyante sa kustodiya ng BJMP kung saan ay mapupunta na ito sa normal na selda.

danothers

Hindi rin malaman kung makakapagbigay ba ng desisyon ang korte sa hiling ni Vhong na makapagpiyansa bago mag-pasko upang makasama nito ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay wala ng access sa social media si Vhong at umaasa nalang sa kanyang asawa upang malaman ang mga mensahe ng mga kaibigan niya.

Kung mahahatulan itong guilty ay maaring umabot ng 20 hanggang 40 na taon ang maging parusa sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular