HomeCelebritiesProgramang Unang Hirit, nag-viral sa social media dahil sa moment ng dalawang...

Programang Unang Hirit, nag-viral sa social media dahil sa moment ng dalawang aspin

Hindi naiwasan ng ilang netizens na mapatawa at magulat habang nanonood ng isa sa mga segment ng Unang Hirit na inere nitong Nobyembre 15, 2022.

Isa sa mga paboritong panoorin tuwing umaga ng mga manonood ng nasabing morning show ang pagluluto ni Chef JR Royol kung saan ibinabahagi nito ang mga espesyal na lutuin ng mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Ngunit sa nasabing episode na kinunan sa Plaridel, Bulacan, tila hindi ang nilulutong crispy hito fillet ang napansin ng mga netizens kundi ang dalawang ‘aspin’ na tila may ginagawang kakaiba.

Tila nabanguhan ang dalawang aspin sa niluluto ni chef JR kaya’t lumapit ang mga ito at hindi sinasadyang mahagip ng camera.

Makikita sa nasabing video ang ginagawa ng dalawang aspin na napanood pa sa national television.

Hindi agad napansin ng cameraman ang mga aspin kaya naman kitang kita ang kababalaghan na ginawa ng dalawa.

Nang mapansin na ito ng cameraman ay agad nitong inusod ang camera sa bandang kanan upang hindi na makita pa ang mga aso.

Hindi naman malaman kung natuloy ba ang ‘moment’ ng dalawang aspin bago maluto ang crispy hito.

Sa ngayon ay umabot na sa milyon milyong views sa social media ang nasabing segment.

Samantala ay mapapansin sa uploaded episode ng Unang Hirit sa Youtube na inalis nila ang moment ng dalawang aspin sa kanilang final edit.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular