HomeCelebritiesOgie Diaz, ibinunyag na kinansela ang kanyang pagiging guest sa isang programa...

Ogie Diaz, ibinunyag na kinansela ang kanyang pagiging guest sa isang programa sa All TV

Ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hindi na matutuloy ang kanyang guesting sa morning show nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto sa ALL TV na ‘M.O.M.S’.

“Kinancel ‘yung guesting ko,” natatawang sabi ni Ogie.

Ayon sa talent manager ay baka nag-iba lang ng plano ang production ng nasabing programa kaya nawala na siya sa listahan ng mga guest.

Moms copy

Pero hindi maiwasan ng mga kasama ni Ogie na ma-intriga kung ‘hinarang’ nga ba ang pagiging guest ni Ogie sa M.O.M.S.

Iginiit naman ni Ogie na hindi niya iniisip na hinarang ang kanyang guesting.

Ngunit ng tanungin siya kung ano ang isasagot niya kung sakali na imbitahan muli siya na maging guest sa M.O.M.S, sasabihin nalang umano ni Ogie na ‘busy’ siya.

Matatandaan na binatikos ni Ogie ang unang araw sa ere ng All TV kasama na ang naging performance ng isa sa mga talent ng istasyon na si Toni Gonzaga.

READ: Ogie Diaz pinuna ang production number ni Toni Gonzaga sa AllTV: “Sana mag-invest nang bongga sa sound system”

Hindi naman ikinatuwa ng isa sa mga boss ng All TV na si Willie Revillame ang naging pahayag ni Ogie kaya’t binanatan ng host ang talent manager sa mismong programa niya.

“Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin. Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo, tingnan mo muna yung sarili mo, di ba? Wag na tayong pumupuna. Isipin mo yung ilang taong tinulangan ng station na ito.” sabi ni Wilie.

READ: Ogie Diaz, may banat sa mga tugon ni Willie Revillame sa ‘bashers’ ng ALLTV: “Panunumbat ‘yun”

Hindi naman malaman kung may kinalaman ba ang mga nakaraang pahayag ni Ogie laban sa All TV kaya’t hindi na ito magiging guest sa M.O.M.S.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular