HomeCelebritiesGuro, naantig matapos makita na bote ng toyo ang lalagyan ng tubig...

Guro, naantig matapos makita na bote ng toyo ang lalagyan ng tubig ng kanyang estudyante

Hindi mapigilan ng isang guro na maging emosyonal ng makita ang lalagyan ng tubig ng isa sa kanyang mga estudyante.

Sa isang video, ibinahagi ni teacher Malone Belmonte ang kalagayan ng isa sa kanyang mga estudyante kung saan ay makikita na bote lamang ng toyo ang ginagamit nito na lalagyan ng tubig.

Ayon sa kanya ay inakala niya na nagkamali lamang ang kanyang estudyante ng nadalang bote.

“Nagulat and at the same time nalungkot ako. My learner asked me to open her water bottle. at first akala ko may baon siya na toyo, yun pala yun na ang water bottle niya,” sabi ni Teacher Belmonte.

Naging inspirasyon naman ito para sa guro para magpursigi pa sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante at makatulong na makaahon sa hirap ang mga ito.

“Isa po itong motivation para sa mga napapagod na dahil sa bigat ng work bilang isang guro to motivate the teachers na magpatuloy sa pagtuturo dahil may mga bata na araw araw ay pumapasok kahit mahirap ang buhay para makapag aral,” aniya.

Matapos mag-viral sa social media ang nasabing post ay maraming netizen ang nag-alok ng tulong para sa nasabing estudyante.

Sianbi naman ng guro na kung mayroon pang gustong magpaabot ng tulong ay maari lamang siyang padalhan ng mensahe sa kanyang Facebook.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang komento matapos mapanood ang video.

“This kind of experiences usually ang reason bkit ang tao ngiging inspired to do their best aim sa lahat ng bagay. Thus they usually become successful. And mas masarap ang success if may binabalikang ganitong karanasan,” sabi ni netizen Ma Palles.

“May this kid be successful in life. And may this be her courage to strive harder in learning in everything while she can. Let’s stop blaming kesyo ganito, kesyo ganyan. Let’s send them prayers. Or if we can donate just go.” wika ni Tiffany Vargas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular