HomeSocial MediaGen. Gerald Bantag, sinabi umano na ang hukay sa Bilibid ay parte...

Gen. Gerald Bantag, sinabi umano na ang hukay sa Bilibid ay parte ng paghahanap nito sa ‘Yamashita Treasure’

Lalo pang nadagdagan ang misteryo tungkol sa hukay na nadiskubre sa loob mismo ng Bilibid.

Matatandaan na inamin ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na siya nga ang nag-utos na hukayin ang isang bahagi ng Bilibid upang gawin umanong swimming pool.

Ngunit nitong Nobyembre 18, 2022 ay lalong naguluhan ang publiko matapos ibunyag ni Justice Secretary Boying Remulla na naikwento na noon sa kanya ni Bantag ang tungkol sa nasabing hukay.

Ayon kay Remulla ay iba ang naging kwento sa kanya ng heneral kung bakit nito pinapahukay ang isang bahagi ng Bilibid.

180px Golden Budda returned to Rogelio Roxas by Ferdinand Marcos 1
Replica ng umano’y golden buddha na kasama umano sa Yamashita Treasure

Kwento ng SOJ, humingi umano ng treasure hunt permit si Bantag sa kanya dahil sa gusto niya umanong hanapin ang ‘Yamashita Treasure’ na umano’y nasa ilalim ng Bilibid.

Pinigilan umano ni Remulla si Bantag ngunit tila itinuloy parin ng heneral ang kanyang paghahanap sa mala-alamat na kayamanan na itinago umano ni Japanese general Tomoyuki Yamashita sa Pilipinas.

“By the way, that was supposed to be a treasure hunt for Yamashita treasure. Originally. I was told by Director General Bantag about it. And I told him to stop it. I told him to stop it,” sabi ni Remulla.

“It was supposed to be a treasure hunt.” dagdag pa niya.

bantag 6

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Bantag tungkol dito.

Matatandaan na noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay naging malaking usap-usapan ang mga kayamanan na naiwan ni Heneral Yamashita sa Pilipinas.

Kumalat din ang kwento noon tungkol sa isang treasure hunter na si Rogelio Roxas na umano’y nakakuha ng mapa ng Yamashita Treasure at nadiskubre ang isang golden buddha.

Ayon sa history.com, nakakuha ng treasure hunting permit si Roxas mula kay Pio Marcos na isang judge at kamag-anak ng dating pangulo.

Naging matagumpay umano ang nasabing treasure hunting kung saan ay nakuha nito ang golden buddha na ipinakita nito ng isang beses sa publiko.

yamashita 2 2017 12 03 16 06 11

Kinalailangan umano ng sampung tao at tulong ng lubid at kahoy para lamang mailabas ang nasabing golden buddha na puno rin umano ng diyamante.

Ngunit ilang linggo matapos nitong ipakita ang golden buddha sa publiko ay hinuli umano ng mga militar si Roxas at kinuha ang mga kayamanan na nahukay nito.

Umabot ang isyu hanggang sa korte ng Hawaii kung saan tinawag ito na ‘Roxas v. Marcos’.

Sa nasabing desisyon ng korte ay sinabi na kailangan magbigay ng $22-B ng pamilya Marcos sa pamilya ni Roxas.

Sinabi rin ng isang American mining expert na ipinakita mismo sa kanya ni dating pangulong Marcos ang nasabing golden buddha na mayroong lamang diyamante sa loob.

Sa ngayon ay hindi parin nakikita ang nasabing golden buddha at ang ilan ay sinasabi na maaring hinati hati ito ng mga Marcos at itinago sa iba’t ibang lugar.

Hindi naman malaman kung ang ibang parte ba ng nasabing kayamanan ay inilibing sa Bilibid.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular