HomeCelebritiesArnold Clavio sa desisyon ng gobyerno na mag-import ng isda: 'Sampal ito...

Arnold Clavio sa desisyon ng gobyerno na mag-import ng isda: ‘Sampal ito sa kabuhayan ng mangingisda’

Ibinahagi ng mamamahayag na si Arnold Clavio ang kanyang opinyon tungkol sa naging desisyon ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng 25,000 metrikong tonleadang isda para sa mga darating na buwan.

Matatandaan na nitong Nobyembre 12, inanunsyo ng DA na kinakailangan nilang mag-import ng iba’t ibang klase ng isda katulad ng galunggong upang matugunan ang inaasahang kakulangan ng suplay dahil sa closed fishing season na tatagal ng apat na buwan.

Isinasagawa ang closed fishing season kada taon mula Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15 upang mapadami ang suplay ng isda sa bansa.

arnold 2

Sa kanyang post, inalala ni Clavio ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Septyembre kung saan pumalag ang presidente sa pag-aangkat ng Pilipinas ng isda kahit na napapaligiran ng dagat ang bansa.

Naniniwala si Clavio na lubos na maapektuhan ang mga mangingisda kung mag-aangkat na lamang ang Pilipinas ng isda sa ibang bansa.

“Anong nangyari Ginoong Pangulo?” tanong ni Clavio.

“Apektado na nga ang hanapbuhay na mga mangingisda, sampal pa ito sa kabuhayan nila sa pagdagsa ng mga imported na isda.

“Importasyon ba ang natitirang solusyon ? Ang makikinabang dito ay mga dayuhang mangingisda.

“Sa ngayon ang dagdag na suporta na hiling ng mga lokal na mangingisda sa matagal na panahon ay nananatiling walang aksyon.” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na opinyon si Marcos tungkol sa naging desisyon ng DA.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular