HomeCelebritiesAlex Gonzaga, sinagot ang isang netizen na gustong magbiro tungkol sa pagkalaglag...

Alex Gonzaga, sinagot ang isang netizen na gustong magbiro tungkol sa pagkalaglag ng kanyang anak

Noong Oktubre 17, 2021, ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang pinagdaanan matapos malaglag ang sana’y una nilang anak ng asawa niyang si Mikee Morada.

Labis ang pagkalungkot ng aktres sa nangyari at ilang beses rin niya itong iniyakan.

“So we had to wait for a while for the pregnancy to finally end before we can tell our story. The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (October 12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy,” ani Alex sa kanyang Instagram post.

Mahigit isang taon matapos mangyari ang isa sa mga pinakamabigat na pagsubok na dumating kay Alex ay may ilang netizen ang tila balak pang gawing biro ang kanyang karanasan.

Sa isang Twitter post, ibinahagi ng netizen na si @Baygonetta, ang diumano’y kagustuhan nito na gumawa ng joke tungkol sa pagkalaglag ng anak ni Alex.

“The urge to make Alex Gonzaga miscarriage jokes is irresistible,” sabi ng netizen.

Ni-retweet naman ito ni Alex at sinabi na ituloy lamang ng netizen ang kanyang plano dahil siya pa ang unang tatawa.

“Pssst! Go lang if that will satisfy you I won’t mind I’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome,” sabi ng aktres.

alex gonzaga 2
Larawan mula kay @Mscathygonzaga/Twitter

Matapos mag-viral ang nasabing tweet ay nag-deactivate na ang nasabing netizen.

Ngunit tila may patutsada pa si Alex sa nasabing netizen.

“Ay dapat walang nagpaprivate at magdedelete ha… hihinang nilalang naman!” aniya.

Matatandaan na dumami ang nambatikos kay Alex dahil narin sa ilang mga biro nito na nag-viral sa social media.

Nakadagdag pa dito ang pagsuporta ng pamilya ni Alex sa kandidatura noon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular