HomeCelebritiesNeil Arce, nagsalita na sa mga balita na hiwalay na umano sila...

Neil Arce, nagsalita na sa mga balita na hiwalay na umano sila ni Angel Locsin

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Neil Arce nitong Nobyembre 17 tungkol sa mga kumakalat na balita na diumao’y hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Angel Locsin.

Kumakalat kasi sa ilang vlog na nabuntis umano ni Neil ang kanyang ex-girlfriend na si Maxene Magalona.

Lalo pang lumakas ang kutob ng mga netizens tungkol sa relasyon ni Neil at Angel dahil sa puro lumang larawan na lamang ng dalawa ang ibinabahagi ng social media pages ng aktres nitong mga nakaraang araw.

neil arce angellocsin 2

Ngunit sa programa ng talent manager na si Ogie Diaz ay nagsalita na si Neil upang itanggi ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanilang mag-asawa.

Ayon kay Neil ay hahayaan na lamang nila ang pagkalat ng mga pekeng balita tungkol sa kanila bilang donasyon sa mga vlog na nagpapakalat nito.

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.” sabi ni Neil sa text message niya kay Ogie.

Hindi naman nagustuhan ni Ogie ang mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa ilang celebrities katulad ni Angel.

Sinabi rin ng talent manager na buo parin ang pagiging mag-asawa ng dalawa na ikinasal noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Angel na sinabing magpapahinga muna sa pagbababad sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular