Home Social Media Naloko na! Pagsali ni Hidilyn Diaz sa 2024 Paris Olympics, nanganganib na hindi matuloy

Naloko na! Pagsali ni Hidilyn Diaz sa 2024 Paris Olympics, nanganganib na hindi matuloy

0

Nanganganib ang tsansa ng gintong medalya para sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos ang naging desisyon ng International Weightlifting Federation (IWF) para sa darating na Paris Summer Games sa 2024.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, binawasan ng IWF ang weight classes para sa sports na weightlifting sa 2024 Olympics.

Kasama na dito ang 55-kilogram event na ipinanalo ni Hidilyn noong Tokyo Olympics 2021.

Kinumpirma ito ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella na wala na ang 55-kilogram event kaya’t kung gusto parin ni Hidilyn na lumaban ay kinakailangan nito na sumali sa 49kg category o sa 59kg na mas mabigat para sa atleta.

Hidilyn Diaz with her gold medal 2021 1 44 screenshot

Ayon sa ilang eksperto ay hindi magiging madali kay Hidilyn ang paglilipat ng weight class lalo na’t dalawang taon na lamang ang natitirang panahon ng gold medalist para maghanda.

“She has to decide after the World Championship in Colombia whether to go down to 49kg or go up to 59kg,” sabi ni Puentavella.

“It will surely be hard but it has to be a decided by her and her husband in coach Julius (Naranjo).” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay mayroon ng pambato ang Pilipinas para sa 49kg event at 59kg event ngunit nasa desisyon parin ni Hidilyn kung sasali ba siya sa mga nasabing weight classes.

Matatandaan na nag-umpisa si Hidilyn sa 58kg weight category ngunit hindi siya pinalad na manalo ng medalya sa nasabing timbang.

Bumaba ito sa 53kg kung saan napanalunan niya ang makasaysayang silver medal sa Olympics 2016.

Natanggal naman ang 53kg category kaya’t lumipat si Hidilyn sa 55kg kung saan nanalo naman siya ng gold medal sa Olympics 2021.

Wala pang pahayag si Hidilyn at ang kanyang asawa at coach na si Julius Naranjo kung ano ang magiging desisyon nila para sa darating na Olympics 2024.

Facebook Comments