HomeSocial MediaMotor na ginamit ng mag-asawang nasawi sa Marilaque, ibinebenta na pala dapat:...

Motor na ginamit ng mag-asawang nasawi sa Marilaque, ibinebenta na pala dapat: “Sana nabenta nalang to”

Naging usap-usapan sa social media at sa motorcycle community ang nangyari sa isang mag-asawang rider na binabagtas ang Marilaque Highway nitong Nobyembre 13.

Matatandaan na nasawi ang mag-asawa na sina Paula Judi Nangyo Algoso at Raymond Algoso matapos tumama ang kanilang minamanehong motorsiklo sa isang pickup truck.

Ngunit isang buwan bago mangyari ang malagim na insidente ay ibinebenta na pala ni Mr. Algoso ang nasabing motorsiklo.

motor 2
Larawan mula sa NEWS5

Ayon sa Facebook post ni Mr. Algoso ay ibinebenta niya ang nasabing motor sa halagang 285,000 pesos.

Balak sana nitong gamitin ang perang mapagbebentahan sa motor sa isang negosyo.

isangbuwan 1

Ilang kaibigan ni Algoso ang binalikan ang nasabing post at sinabi na sana’y naibenta na lamang nito ang kanyang motorsiklo na siya palang magdadala sa kanya sa kapahamakan.

Naniniwala ang ilan sa kanila na kung naibenta na sana ang nasabing motorsiklo ay hindi na sana mangyayari pa ang huling ride ng mag-asawa.

“Dapat binenta mo na kuya e. Gagawin mo pa ung bahay ko e ang bilis bilis naman.” sabi ng isa sa mga kakilala ng nasawing rider.

“Dapat na dispatch natong motor na to eh hays,” wika naman ng isa.

“Sana nabenta nalang to,” komento naman ng isa pang kaibigan ng rider.

Sa ngayon ay may daan daang shares na ang nasabing post sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular