HomeCelebritiesMegastar Sharon Cuneta ibinahagi na siya ay pagod na: "I AM tired"

Megastar Sharon Cuneta ibinahagi na siya ay pagod na: “I AM tired”

Tila nalalapit na ang pagre-retiro ng nag-iisang megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang Instagram post nitong Nobyembre 16, 2022 ibinahagi ni Sharon na siya ay pagod na sa tila nararamdaman niya na na malapit na siyang magretiro sa showbusiness matapos ang apat na dekada niyang pagta-trabaho.

Ibinahagi niya rin ang isa sa mga parte ng libro na kanyang binabasa.

sharon miel 2

Ayon sa kanya ay gusto niya na lamang tumanggap ng mga proyekto na hindi siya mapapagod na husto.

Mas gusto na rin ng aktres na pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

“This part really resonated with me because, well, I am 56 now – and I am just undeniably EXHAUSTED. Retirement is calling. Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert, or a TV show, even a season or a series if it’s not too tiring. But I AM tired,” ani Sharon.

“All I wish I could do is be with my family and take care of them. And do all those other things I always wish I could do but just couldn’t find the time for. Please pray with me. Thank you so much and I love you all,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nitong Hulyo ay nagkaroon ng tour si Sharon kasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa America kung saan ay nagkasakit ito sa tindi ng pagod.

Ayon sa kanya ay ilang araw siyang hindi makaalis sa kanyang kama dahil sa sobrang pagod sa kanyang tuloy tuloy na concert.

Marami namang fans ni Sharon ang naniniwala na handang handa na itong mag retiro lalo na’t napakadami na nitong kinita sa showbiz.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular