Home Social Media Kiko Pangilinan, ikinumpara ang presyo ng sibuyas sa Australia sa Pilipinas

Kiko Pangilinan, ikinumpara ang presyo ng sibuyas sa Australia sa Pilipinas

0

Ibinahagi ni dating senador Francis “Kiko” Pangilinan na pumunta siya sa Australia nitong nakaraang linggo at ikinabigla niya ang mura ng sibuyas sa mga pamilihan doon.

Sa kanyang video, ibinahagi ni Pangilinan na ang pulang sibuyas sa mga grocery sa Australia ay umaabot lamang ng P112 kada kilo habang P250 naman ang kada kilo nito sa Pilipinas.

Ganoon din sa puting sibuyas na P75 lamang ang kada kilo sa Australia habang P200+ naman ang kada kilo dito sa Pilipinas.

Naniniwala si Pangilinan na isa lamang ang solusyon upang patuloy na magmura ang mga bilihin dito sa Pilipinas.

“The solution is to support our producers, our farmers and fisherfolks,” ani Pangilinan.

“Kaya kung nais natin magkaroon ng murang pagkain, murang karne, murang gulay bigyan ng todo na suporta sa ating mga farmers at fisherfolk,” dagdag pa niya.

Naniniwala naman ang isang netizen na ang nagpapataas ng mga bilihin sa merkado ay ang mga middleman na binibili ang mga gulay sa napakamurang presyo ngunit ibebenta sa merkado ng napakamahal.

Hindi tuloy napigilan mapatanong ni Reyes kung may nagawa ba si Pangilinan para pigilan ang mga nasabing middlemen.

“Ang camote na nga lang, ₱6-25/kg ang bili sa mga farmers pero pagdating sa supermarket ₱100-150/kg.” sabi ni MJ Quiambao Reyes.

“Ang tanong: Sa 30+ yrs nyo po sa gobyerno, wala pa rin ba’ng sapat na batas at programa para suportahan ang mga farmers, kontrolin ang greed ng mga middle men, at protektahan ang mga consumers?” dagdag pa niya.

Facebook Comments