HomeSocial MediaImbestigador, kinumpirma na nag 'overshoot' nga ang mag-asawang rider sa Marilaque

Imbestigador, kinumpirma na nag ‘overshoot’ nga ang mag-asawang rider sa Marilaque

Kinumpirma ng Santa Maria Police na mayroon ngang pagkakamali sa panig ng mag-asawang rider na nasawi habang binabagtas ang kahabaan ng Marilaque Highway nitong Nobyembre 13.

Sa panayam sa NEWS5, ibinahagi ni P/SSg. Angiero Macabasco, chief investigator ng Sta. Maria Police ang naging resulta ng kanilang imbestigasyon sa nangyari sa mag-asawang sina Paula Judi Nangyo Algoso at Raymond Algoso.

Kinumpirma ng pulisya na mabilis ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Mr. Algoso kaya naman ng dumating na ito sa bandang kurbada ng Marilaque ay lumampas ito sa kanyang lane na naging dahilan upang tumama ito sa isang pickup truck.

maxresdefault 5

“Yung mag-asawa going to Tanay, Rizal, then ‘yung Hilux na involve going to Infanta Quezon.. ‘Yung motor na minamaneho ng biktima ay nag-overtake doon sa unahang motor,” sabi ni Macabasco.

“Ngayon nung mag-overtake siya, nag-overshoot siya doon sa lane nung Hilux,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ng imbestigador na talaga namang mapanganib ang Marilaque Highway at ginagawa pa itong racetrack ng ilang mga nagmo-motor.

10 na diumano ngayong taon pa lamang ang nasaktan habang binabagtas ang Marilaque.

“Yung ibang rider kasi ang nagiging practice nila don, ginagawa nilang track,” sabi pa ng opisyal.

Ibinahagi naman ng driver ng Hilux na si Raymond Mendoza ay sinubukan niya pang iwasan ang mag-asawa.

Nasira din ang likurang gulong ng kanyang sasakyan sa nangyaring insidente.

Sa ngayon ay nagdagdag na sila ng mga road signage upang mapaalalahanan ang mga motorista na dumadaan sa nasabing highway.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular