Hindi nakapagpigil si Senador Cynthia Villar na pumalag sa pamumuna ni Senador Raffy Tulfo tungkol sa mga ginagawa ng ilang developer upang makuha ang mga bukid sa mga magsasaka para gawing subdivision.
Nitong Nobyembre 17, 2022, sinabi ni Tulfo na lumiliit na ang lupang masasaka sa Pilipinas dahil narin sa mga developer na binibili ang mga ito.
“Lumiliit po nang lumiliit ang ating farmland. Binibibli po ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land. Ano po ang ginagawa ng DA (Department of Agriculture) tungkol dito?” tanong ni Tulfo.
Dito na pumasok ang senadora na ang pamilya ay kilalang may-ari ng Vista Land & Lifescapes, Inc. na isa sa mga pinakamalaking developer sa Pilipinas.

Itinanggi naman ni Villar na bumibili sila ng mga bukirin sa probinsya.
Ayon sa kanya ay sa mga siyudad lang sila bumibili ng mga lupain at nakakatulong din umano sila sa mga magsasaka na humaharap sa problemang pinansya sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga lupain.
“That’s our business. I want to tell you that we don’t buy agricultural lands in the provinces. Nobody will buy houses on agricultural lands,” sabi ni Villar.
“We only buy in cities and capital towns because the buyers of houses, they also want an opportunity that if they’re having financial problems, they can resell their houses. It’s very hard to resell houses, not in cities or capital towns. So we limit ourselves [to] cities and capital towns,” dagdag pa niya.
Iginiit ni VIllar na desisyon ng mga may-ari ng lupa na ibenta ang kanilang bukid at hindi ito sapilitan.
“It’s an investment decision… You have to understand agriculture as a business also,” aniya.
“Where will the people live if you don’t build subdivisions,” dagdag pa niya.
“’Yung sinasabi na huwag i-convert ang farmland para magtayo ng bahay at ng factory, mali ’yun. We need to build small homes for Filipinos para hindi naman sila squatter, and we need to build factories para may trabaho… Bakit ipagbabawal ’yun, importante din ’yun sa ekonomiya.” paliwanag pa ng senadora.
Matatandaan na paboritong batikusin ng ilang netizens ang mga Villar dahil umano sa pagtatayo nito ng mga subdivisions sa mga dating bukirin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.