HomeSocial MediaAnim na kabataan na nanira ng Christmas decoration bilang 'trip', humingi ng...

Anim na kabataan na nanira ng Christmas decoration bilang ‘trip’, humingi ng paumanhin

Inulan ng batikos sa social media ang anim na kabataan na nakitang nanira ng ilang Christmas decoration sa Barnagay Cogon, lungsod ng Cordova.

Nitong Nobyembre 15, nag-viral sa social media ang video na kuha ng mismong magbabarkada habang sinisira nila ang ilan sa mga dekorasyon para sa darating na kapasukahan na kanilang madaanan.

Kahit ang dekorasyon sa harapan ng isang barangay hall ay hindi pinalampas sirain ng grupo.

Matapos kumalat sa social media ang nasabing video ay agad na hinanap ng mga otoridad ang mga salarin na sumuko rin kalaunan.

Paliwanag nila ay nakainom sila ng gabi na ‘yon at hindi nila ginusto na manira ng kagamitan.

“Malaki po ang aming nagawang kasalanan kaya humihingi po ako ng sorry, paumanhin po sa aking nagawang kasalanan,” sabi ng isa sa miyembro ng grupo.

Hindi naman mabigat ang parusang ibibigay sa kanila at ang kinakailangan lamang nilang gawin ay tulungan ang barangay na magkabit ng mga karagdagang Christmas decoration.

Nagpaalala naman ang mga otoridad na huwag ng balakin pang uminom kung hindi naman kayang makontrol ang kanilang mga sarili upang hindi na sila mapang-perwisyo pa ng iba.

Dapat rin daw galangin ang mga Christmas decoration dahil ito ang sumisimbolo sa kapanganakan ni Hesu Kristo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular