HomeCelebritiesVlogger na si Haring Manggi, chill lang sa loob ng selda matapos...

Vlogger na si Haring Manggi, chill lang sa loob ng selda matapos itong hulihin ng mga otoridad

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakahuli sa vlogger-rapper na si Haring Manggi matapos itong magtago ng ilang buwan sa mga otoridad.

Dilat na dilat pa ang mga mata ng rapper ng ito ay mahuli sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa isang mall sa Cavite.

May kinakaharap itong kaso dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at pinagbigyan itong makapagpiyansa ngunit hindi na ito humarap sa pagdinig ng korte.

Kaya noong Disyembre ng nakaraang taon ay ipinahuli na ng korte ang rapper, ngunit ngayon lamang siya nahuli dahil sa magaling umano itong magtago.

Dinepensahan naman ni Haring Manggi ang kanyang sarili at sinabi na gumagamit lamang siya at hindi nagbebenta.

“Wala pong gumagabay sakin kung ano ang dapat kung gawin kaya napunta po ako sa kalsada, ano ba ang meron sa kalsada?” sabi ng rapper sa panayam sa kanya ng TV5.

Ibinahagi naman sa social media ng ilang netizen ang kuha sa loob ng selda ni Manggi kung saan ay tila maayos naman ang pagtrato sa kanya.

Sa nasabing larawan ay makikita pa ang rapper na nakaduyan sa loob ng selda.

315634215 6044876845532199 2743185644663798154 n

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang magiging aksyon ng rapper sa kinakaharap niyang kaso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular