HomeCelebritiesTeddy Corpuz at Kim Chiu, emosyonal sa anniversary ng It's Showtime: “Iyong...

Teddy Corpuz at Kim Chiu, emosyonal sa anniversary ng It’s Showtime: “Iyong kanta na ‘Laban’ song, para ‘yun sa taong miss na miss natin,”

Naging emosyonal ang mga host ng It’s Showtime na sina Teddy Corpuz, Kim Chiu at Jugs Jugueta matapos nilang banggitin na mayroon silang nami-miss na tao.

Sa anniversary episode ng nasabing noontime show, ibinahagi nig tatlo ang kanilang bagong kanta na “Laban” na kanilang inawit sa “Magpasikat” segment ng nasabing programa.

Matapos ang kanilang performance ay ibinahagi nila kung ano nga ba ang istorya sa likod ng nasabing kanta at kung para kanino ito isinulat.

vhong showtime

“Iyong kanta na ginawa ni Kuya Teddy na ‘Laban’ song, para ‘yun sa taong miss na miss natin,” sabi ni Kim.

Ayon naman kay Vice ay alam ng taong nami-miss nila na may isinulat silang kanta para sa kanya.

“Pero ‘yung pinag-aalayan niyo ng kanta na ‘yan, nabasa niya naman ‘yung chat niyo kanina. I’m sure he’s happy na ginawan niyo siya ng kanta,” sabi ng komedyante.

Marami ang naniniwala na ang binabanggit nila ay si Vhong Navarro na isa sa mga host ng It’s Showtime.

Kasalukuyan na nasa kustodiya ng mga otoridad si Vhong dahil sa kasong isinampa sa kanya ng model na si Deniece Cornejo.

Inaasahan naman na ililipat na sa kustodiya ng BJMP sa Taguig City si Vhong kung saan posible nitong makasama ang iba pang preso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular