HomeSocial MediaSuspek sa panghahalay at pananakit sa isang magkasintahan na nag-joyride, may mensahe:...

Suspek sa panghahalay at pananakit sa isang magkasintahan na nag-joyride, may mensahe: “Sana mapatawad niyo ko”

Ang sana’y masayang joyride ng isang magkasintahan na menor-de-edad sa Laguna ay tila naging bangungot matapos silang biktimahin ng dalawang kalalakihan.

Sa ulat ng PNP Lumban, Laguna balak lamang maglibot ng magkasinatahan sa nasabing munisipalidad nitong Nobyembre 11 ng bigla silang haranging ng dalawang suspek na nakilala na sina Danilo Raro Barimbad Jr, 38, construction worker at Joseph Cedeno de los Reyes na isang welder.

Ayon sa kwento ng mga biktima ay tinutukan sila ng mga suspek at pinasakay sa tricycle kung saan ay dinala sila sa isang tagong lugar sa Barangay Lewin, Lumban.

Doon na kinuha ng mga suspek ang pera at mga gadgets ng biktima ngunit hindi pa dito natapos ang kasamaan na ginawa nila.

Sinaktan din kasi ng mga suspek ang lalaking biktima habang hinalay naman ng dalawa ang babae na biktima.

Matapos nito ay iniwan na lamang ng mga suspek ang mga biktima.

Agad naman silang dinala sa ospital ng makahingi sila ng tulong sa mga residente ng nasabing barangay.

Agad na nagkaroon ng operasyon ang mga otoridad para hulihin ang mga suspek na itinago pa ng kanilang mga asawa.

Dahil dito ay pati ang mga asawa ng mga suspek ay hinuli dahil sa obstruction of justice.

luman 2 scaled

Sa ulat naman ng GMA News ay makikita ang mga suspek na nagbigay pa ng mensahe sa mga biktima.

“Sana po mapatawad nila ako, lasing lang po kami nun,” sabi ni Barimbad.

“Sana po patawarin nila ako,” wika naman ni Delos Reyes.

Nahuli na ang dalawa noon dahil sa iligal na aktibidad.

Wala naman balak patawarin ng mga biktima ang dalawa at sinabi na dapat silang managot sa kanilang ginawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular