HomeSocial MediaPeter Scully at Liezyl Margallo, hinatulan ng 129 at 126 na taon...

Peter Scully at Liezyl Margallo, hinatulan ng 129 at 126 na taon na pagkakakulong dahil sa pambibiktima ng mga bata

Naalala niyo pa ba ang isa sa mga pinakamalagim na istorya sa kasaysayan ng Pilipinas na nangyari noong 2017 na tungkol sa sukdulang kasamaan na ginawa ng isang Australian national at nobya nitong Filipina?

Matapos ang halos limang taon ay hinatulan na ng Cagayan de Oro regional trial court ng 129 na taon na pagkakakulong si Peter Gerard Scully at ang nobya nito na si Lovely “Liezyl” Margallo dahil sa pambibiktima noon ng mga kabataan.

Ang pinakabatang biktima ng dalawa ay isang 18 buwan na sanggol na nakitang nakalibing sa ilalim ng bahay nila Scully.

gerald scully

Sukdulan ang ginawa ng nila Scully at Margallo sa mga biktima na nire-record nila para sa mga parokyano nila sa ‘dark web’.

Kahit mismong ang mga prosecutor na naging parte ng paglilitis laban kay Scully at Margallo ay kinailangan pang dumaan psychotherapy sessions dahil sa panonood ng mga video na ni-record ng dalawa.

“‘I don’t think I’ll ever see another thing like this in my lifetime. As a lawyer, this was the worst thing that I ever saw,'” sabi ni Northern Mindanao Regional State Prosecutor Merlynn Barola-Uy sa isang panayam.

peter scully 90

Kahit mismong mga international groups ay ang mga aktibidad ni Scully at Margallo ay isa sa mga pinakamasamang bagay na kanilang nakita.

Ilan sa mga biktima ni Scully ay mga mahihirap na kabataan sa Mindanao.

Inaalok nila ang pamilya ng kanilang magiging biktima na aalagaan mabuti at bibigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak ngunit kabaliktaran ang gagawin nila Scully.

Nagbabayad ang mga parokyano nila Scully ng 300,000-500,000 pesos kung saan ay papanoorin nila ang kasamaan na ginagawa ng Australiano sa mga bata.

Ang ginawa nila Scully at Margallo ay nagpaingay noon sa panawagan na buhayin muli ang parusang bitay.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular