Nakatanggap ng lecture ang ilang estudyante mula sa kanilang guro dahil sa tila mas inuuna na ng mga ito ang kanilang pagti-TikTok kaysa sa pag-aaral.
Sa isang video, ibinahagi ni Tristan Senajon, isang guro mula sa Cebu City ang kanyang sermon para sa mga estudyante niya na bumagsak sa pagsusulit.
Suspetsa ni Senajon ay mas inuuna na kasi ng kanyang mga estudyante ang pagsasayaw sa Tiktok imbis na mag-review para sa kanilang exam.
Bilang ikalawang magulang ay naniniwala si Senajon na dapat ay malaman ng kanyang mga estudyante na kailangan nilang gawing prayoridad ang pag-aaral imbis na manood ng mga videos sa social media o gumawa ng TikTok content.
Kahit na nagbibigay ito ng lecture ay hindi parin naman nawala sa guro na magpatawa upang hindi masindak ang kanyang mga estudyante.
Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon matapos mapanood ang lecture ni Senajon.
“Korek naeengganyo mga bata sa tiktok.at sa social media kya yung utak nila kinakain dahan dahan at nawawalan na sila ng gana sa pag aaral.yan po ang tree of knowledge of good and evil yang mga gadgets.” sabi ni netizen Lahrry Ysais.
(It’s true that children are attracted to TikTok and social media. Their brains are being eaten slowly and they are losing their will to learn.)
“Funny but super true,” wika naman ni Pleng Torre.
“This only means that teachers should improve their quality/strategy of teaching to catch their students’ attention to study more.” saad naman ni Jay Invento.