HomeCelebritiesMaxene Magalona, idinadawit sa umano'y hiwalayan ni Angel Locsin at Neil Arce

Maxene Magalona, idinadawit sa umano’y hiwalayan ni Angel Locsin at Neil Arce

Patuloy ang pagkalat ng mga balita na umano’y hiwalay na ang mag-asawa na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Ngayon ay mayroon nanamang nadawit sa isyu at ito ay ang ex-girlfriend ni Neil na si Maxene Magalona.

Sa ilang video kasi na lumabas sa ilang social media platfrrms ay idinawit si ang pangalan ni Maxene na nakarelasyon ni Neil noong 2010 na tumagal ng isang taon at tatlong buwan.

Matatandaan na nitong Oktubre 14, 2022 ay kinumpirma ni Maxene na hiwalay na siya sa kanyang asawa na si Rob Mananquil.

Sa gitna naman ng pagkalat ng nasabing mga balita sa social media ang nag-post si Maxene ng ilan sa kanyang mga aktibidad.

Sa parehong araw ay nag-post din si Angel ng kanilang larawan ni Neil.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mag-asawa tungkol sa kumakalat na balita.

Noong 2020 ay mayroon ring kumalat na balita sa social media na tungkol sa hiwalayan ni Neil at Angel.

Sa pagkakataong ‘yon ay naglabas ng pahayag si Angel kung saan ay binatikos niya ang pagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanila.

jay sonza 2

“Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low. Why do some people make this much effort to put me in a bad light? That is the question.” sabi niya.

Marami naman ang naniniwala na malabong totoo ang balita lalo na’t hindi pa naman ito kinukumpirma ng mag-asawa at ni Maxene.

Karamihan din kasi ng mga kumakalat na showbiz news sa Youtube ay madalas ay imbento lamang upang makakuha ng views.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular