HomeSocial MediaGerald Bantag, kinumpirma na regalo sa kanya ang ilang kabayo na nasa...

Gerald Bantag, kinumpirma na regalo sa kanya ang ilang kabayo na nasa loob ng Bilibid

Maliban sa ‘swimming pool’ na ipinapatayo ng suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ay may bago nanamang diskubre ang mga otoridad sa loob ng Bilibid.

Sa ilang larawan na ibinahagi sa social media ay makikita ang mga diumano’y alagang hayop ni Bantag na nasa loob ng Bilibid.

Ayon kay acting BuCor chief Gregorio Catapang ay lagpas isang dosenang kabayo, mga manok na panabong at isang python ang inaalagaan ng mga inmate sa loob ng Bilibid.

Iginiit ni Catapang na hindi tama na dadalhin ni Bantag ang kanyang mga alaga sa loob ng Bilibid upang ang mga inmate ang mag-alaga.

116449451 10158648512690168 2090975158013097767 n

“Unang-una hindi naman pag-aari ng BuCor ‘yan. Bakit inilagay dito? Pangalawa dahil inilagay dito, may nag-aalaga diyan. So gumagastos ang gobyerno sa mga hayop na hindi pag-aari ng BuCor. So tinitignan din ‘yung kaso na pwedeng i-file sa mga taong ito,” ani Catapang.

Inamin naman ni Bantag na mayroon nga siyang mga kabayo sa loob ng Bilibid ngunit hindi lahat ng hayop doon ay pagmamay-ari niya.

Regalo rin diumano sa kanya ang mga nasabing kabayo.

“Oo naman, meron [kabayo]. At hindi lang sa akin ‘yon. Sa mga tauhan ko, lahat kami sama-sama doon, mga local horses ‘yon. Regalo sa akin ‘yun nung birthday ko, two years ago yata,” sabi ni Bantag.

Pumalag din si Bantag sa sinasabi ni Catapang na gumagastos ang gobyerno sa pagpapakain sa kanyang mga kabayo.

Paliwanag ni Bantag ay damo lamang ang kinakain ng kabayo na napakadami sa loob ng Bilibid.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular