HomeCelebritiesCatriona Gray, binatikos sa pagsama nito kay Gov. Matthew Marcos: "Wala ba...

Catriona Gray, binatikos sa pagsama nito kay Gov. Matthew Marcos: “Wala ba siyang natitirang kahihiyan kay Atty. Leni?”

Naging usap-usapan sa social media ang pagbisita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa probinsya ng Ilocos Norte.

Isa sa mga aktibidad ni Catriona sa nasabing probinsiya ay ang pakikipagkita kay Governor Matthew Marcos Manotoc kung saan ay magkasama silang gumawa ng Ilocos empanada.

Habang ang ilan ay tuwang tuwa sa ginawang paglalagay ng ketchup ni Catriona sa kanyang empanada ay may isang netizen naman na hindi natuwa sa aktibidad ng beauty queen.

Sa isang tweet, ibinahagi ni netizen Monique Timozarap ang pagkadismaya kay Catriona dahil sa pagdikit nito sa gobernador na pamangkin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I just saw Catriona Gray on the internet that she had with the extended family of Blengblong. I’m disappointed with her, kasama niya ‘yung Matthew Marcos sa Ilocos Norte. Ano ginagawa n’ya don? Wala ba siyang natitirang kahihiyan para kay Atty. Leni?” banat ng netizen.

monique 1

Matatandaan na si dating Vice President Leni Robredo ang sinuportahan ni Catriona nitong nakaraang halalan.

Sa kasamaang palad ay hindi naipanalo ng star power ang dating bise presidente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular