HomeCelebritiesAljur Abrenica, ibinahagi ang kanyang Christmas gift sa ex na si Kylie...

Aljur Abrenica, ibinahagi ang kanyang Christmas gift sa ex na si Kylie Padilla: “Commitment”

Ibinahagi ni Aljur Abrenica ang kanyang magiging Christmas gift para sa kanyang ex-partner na si Kylie Padilla.

Sa panayam sa kanya ni Morly Aquino, tinanong si Aljur kung ano nga ba ang mga magiging balak nito sa darating na Pasko.

Ayon naman kay Aljur ay plano nito na makasama ang kanyang mga anak kay Kylie.

axl alas

“For now ang naplano ko palang is kung paano mapapasaya yung mga bata and gathering lang.” ani Aljur.

Hindi rin napigilan ni Morly na tanungin si Aljur tungkol sa kung ano na nga ba ang magiging regalo ni Aljur para kay Kylie na hiniwalayan niya noong 2021.

Sinagot naman ito ni Aljur at sinabi na ang ireregalo niya kay Kylie ay ang pagiging ama ng kanilang mga anak.

kylie aljur 3

“Commitment. Commitment na I’ll always be there for her and our kids. Attention, time na lagi akong nandiyan sakanila whenever they need me.” aniya.

Mayroong dalawang anak si Aljur kay Kylie na sina Axl at Alas.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging malaking isyu sa social media ang hiwalayan ni Aljur at Kylie.

Naglabas kasi ng mensahe sa social media ang aktor kung saan ay hinimok ni Aljur si Kylie na sabihin ang katotohanan tungkol sa kanilang hiwalayan.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not on our family. The people deserve to know.” sabi ni Aljur.

Ngunit matapos ang isang taon ay tila maayos na muli ang relasyon ng dalawa.

Ikinatuwa naman ng mga netizens na natapos na ang pagtatalo ng dalawa para narin sa kanilang mga anak.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular