HomeCelebritiesVicky Belo at Alex Gonzaga hindi pinansin ni Heart Evangelista sa Milan:...

Vicky Belo at Alex Gonzaga hindi pinansin ni Heart Evangelista sa Milan: “Sa Manila magkakaibigan tayo”

Ibinahagi ni Dra. Vicky Belo na hindi sila pinansin ni Heart Evangelista ng magkita sila sa Milan Fashion Week.

Kasama ni Belo ang aktres na si Alex Gonzaga na naging saksi sa pangyayari.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng celebrity doctor ang huli nilang araw sa Milan noong Septyembre na ibinahagi naman niya sa kanyang mga fans nitong Nobyembre 11.

Pinag-usapan nila kung ano na nga ba ang narating ng fashion industry sa Pilipinas dahil sa tulong narin nila Belo at Evangelista.

heart evangelista 1

Dito na ibinunyag ni Belo ang hindi pagpansin sa kanila ni Evangelista noong binati nila ito.

“Did you take note? Heart and me in the same sentence. Pero hindi tayo pinansin ni Heart. Hoy Heart!” natatawang sambit ni Belo.

Pinaalala naman ni Gonzaga na sa Pilipinas ay magkakaibigan sila nila Heart.

“Heart, ano ‘to mars? Sa Manila magkakaibigan tayo,” sabi ni Gonzaga.

“Mars , we’re in the same fashion show. Hindi ka man lang nag-hi,” wika naman ni Belo.

Matatandaan na madalas na nasa abroad si Evangelista upang ibahagi ang kanyang pananamit na ang ilan ay umaabot pa sa milyong milyong piso.

Kaya naman tingin ng ilang netizen ay lumaki na ang ulo ng aktres kaya’t hindi na ito namamansin.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Evangelista tungkol sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular