HomeCelebritiesVhong Navarro, nakatada ng ilipat sa Taguig City Jail kung saan makakasama...

Vhong Navarro, nakatada ng ilipat sa Taguig City Jail kung saan makakasama nito ang iba pang preso

Tila hindi maganda ang magiging pasko ng aktor at komedyante na si Vhong Navarro dahil sa tila tuloy na tuloy na ang paglipat nito sa kustodiya ng BJMP sa Taguig City.

Ayon sa commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ay kailangan ng mailipat sa kustodiya ng BJMP si Vhong na kasalukuyang namamalagi ngayon sa National Bureau of Investigation Detention Facility (NBI).

Inaayos na diumano ng NBI ang mga dokyumento na kakailanganin sa paglipat ni Vhong.

VHONG 1

Sa kanyang paglipat ay inaasahan na makakasama ni Vhong ang iba pang preso sa iisang selda, hindi katulad sa NBI na mag-isa lamang siya.

Matatandaan na kontra ang kampo ni Vhong dahil sa diumano’y delikado ang buhay ng komedyante kung maililipat ito sa BJMP.

Ayon kasi sa asawa ng komedyante na si Tanya Bautista ay nakakatanggap sila ng pagbabanta na lubos na nagbibigay takot sa aktor.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Deniece Cornejo na siyang nagsampa ng kaso ang naging desisyon ng korte.

Hindi naman malaman kung ano ang magiging desisyon ng korte sa hiling ng kampo ni Vhong na makapagpiyansa ito.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon sa nangyayari kay Vhong.

“Finally!!!… Hinde ko sinasabi na guilty sya, pero maging fair tayo sa lahat… May probable cause iyan, kaya ganyan ang nangyari sa kanya… Nawala na rin yung mga backer niya….” sabi ni netizen Prince.

“Kawawa naman si vhong.. sana makapag pyansa.. makasama man lang ang pamilya nya sa pasko” wika naman ni Art Conde.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular