HomeCelebrities'Tupac ng Pinas' at Vlogger na si Haring Manggi, himas rehas matapos...

‘Tupac ng Pinas’ at Vlogger na si Haring Manggi, himas rehas matapos hulihin ng mga otoridad

Himas rehas ngayon ang vlogger at rapper na si ‘Haring Manggi Miguelito Malakas’ o Daniel Naguit sa totoong buhay matapos itong hulihin ng mga otoridad dahil sa pagbebenta diumano ng ipinagbabawal na gamot.

Napag-alaman na ang vlogger pala ay isa sa mga Most Wanted sa Pasay City, ngunit patuloy parin itong nakakapag-vlog.

Noong Disyembre 27, 2021 pa lumabas ang warrant laban kay Naguit ngunit hindi ito mahuli dahil sa nagtago na ito.

harringmanggi

Matapos ang ilang buwan na paghahanap ng mga otoridad ay matagumpay na nahuli si Naguit sa isang mall sa Imus, Cavite matapos siyang kumagat sa isang asset na nagpanggap na isang buyer.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pasay City Police ang suspek.

Pinaalala naman ni PCOL Byron Tabernilla, officer-in-charge ng Pasay City Police na kahit na sikat pa ang nasabing vlogger ay hindi sila magdadalawang isip na hulihin ito.

Kilala si Maguit sa kanyang pagpapakita ng maraming pera sa social media, ngunit hindi naman inaakala ng kanyang mga fans na mangagaling sa iligal na aktibidad ang kanyang kayamanan.

Tinawag din ito ng ilang fans na ‘Tupac ng Pilipinas’ dahil sa pagkakapareho diumano nito sa American rapper na si Tupac Shakur.

Kahapon lamang ay naglabas pa ito ng kanyang music video para sa kanta niyang pinamagatan na ‘Sa tingin mo kaya moko’.

Ngunit tila ito na ang huling kanta na mailalabas ni Naguit sa ngayon dahil sa haharap ito sa patong patong na reklamo.

“Manatili lang tayo na manampalataya sa Diyos at humingi ng kapatawaran sa Panginoon! Parating na ang mas magagandang mga araw mga eabab ko at mga sundalo ko!” sabi ni Naguit sa kanyang huling post.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular