HomeCelebritiesRita Avila may bwelta kay Pangulong BBM: "PBBM is still a child....

Rita Avila may bwelta kay Pangulong BBM: “PBBM is still a child. A needy child”

Hindi mapigilan ng aktres na si Rita Avila na punahin ang mga pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Cambodia.

Nitong Nobyembre 13, hinarap ni Marcos ang Filipino community sa Cambodia ngunit tila nag-selos ito dahil sa hinahanap din ng kanyang audience si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Ayon sa kanya ay ito rin ang nangyari noong kampanya kung saan ay mas madalas pa umanong hanapin si Sandro kaysa sa kanya.

“Kayo talaga, nagseselos na ko eh.. Nung kampanya ganyan din,” ani Marcos.

Habang pabiro lamang ang sinabing ito ni Marcos ay tila hindi nagustuhan ni Rita ang pahayag ng pangulo.

Ayon sa kanya ay kahit biro lamang ito ay tila parang nag-astang bata ang pangulo sa harapan ng Filipino Community.

Hintayin na lamang diumano na mag-mature ang pangulo at maging kuntento sa kung ano ang meron siya.

“Jealous of his own son? Even as a joke, PBBM is still a child. A needy child.” sabi ng aktres.

“Antay tayo that he grows into a happy and content man.” dagdag pa niya.

Kilalang kritiko ng mga Marcos at tagasuporta ni dating vice president Leni Robredo ang aktres.

315520486 686666086404496 7453800231704010524 n
Larawan mula kay msritaavila/Instagram

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacanang tungkol sa sinabi ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular