HomeCelebritiesPanukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga driver na binangga lamang ang...

Panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga driver na binangga lamang ang sasakyan nila, isinusulong

Isinusulong ngayon sa kamara ang pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga driver ng kotse na nasasangkot sa banggaan na hindi naman sila ang may kasalanan.

Ilang dekada ng pinaniniwalaan sa bansa na kapag ang inyong sasakyan ay mas malaki ay kayo ang mananagot kahit na hindi naman kayo ang dahilan ng banggaan.

Nitong Agosto lamang ay ipinasa muli ni Batangas Congressman Mario Vittorio Marino¬†ang House Bill (HB) 899 o ‘Philippine Responsible Driving and Accountability Act’ kung saan ay inaalis ang agad-agarang pagbibigay ng pananagutan sa isang driver na nasangkot sa aksidente.

Noong 2018 ay una na itong ipinasa ni Iligan City Congressman Frederick Siao ngunit hindi ito nakapasa sa kongreso.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Marino na isinulong niya ang nasabing panukala na ito upang bigyan ng mas pantay na trato ang mga vehicle owners at hindi agad sila ang isipin na mayroong pagkakasala.

Ibinigay niya ring halimbawa ang nangyari sa truck driver na si Teddy Gotis noong 2017 kung saan ay naghimas ito ng rehas matapos banggain ng isang menor-de-edad na nakamotor ang kanyang truck.

Walang helmet, walang lisyensa at nakainom ang naka-motor ngunit sa huli ay hinuli parin ang truck driver at inilagay sa selda.

23843418 1523040457783894 2546204327400529422 n

Ayon sa bill, hindi basta basta bibigyan ng pananagutan ang isang driver kung ang nakabangaan nito ay:

note 1

  • the victim is intoxicated or under the influence of illegal or prescription drugs;
  • the victim was not crossing the street via a pedestrian lane or road intersection;
  • the victim crossed the street or highway instead of using a nearby pedestrian footbridge;
  • the victim is a bicycle rider not wearing any safety devices or is wearing dark clothing; the victim is a driver of a motorcycle, tricycle, or bicycle traveling on a national highway under the minimum speed limit and not on the rightmost lane;
  • the victim is a driver who, at the exact time of the incident, did not have the right of way on the road;
  • the driver did not flee from the scene of the road safety incident;
  • the driver was suffering, at the time, a medical emergency such as a heart attack, stroke, asthma attack, or diabetic shock;
  • the driver of the other vehicle has non-functional or lacking in headlights, taillights, and other warning devices.

Agad agad naman mabibigyan ng pananagutan ang isang driver kung gagawin niya ang mga sumusunod:

  • the driver flees from the scene
  • the driver was driving at high speed based on recorded eyewitness accounts
  • the driver had just committed at least one serious traffic violation
  • the driver is intoxicated or under the influence of illegal or prescription drugs
  • the driver does not have a driver’s license or has an expired driver’s license
  • the victim is a child younger than 15 years of age.

Maliban pa doon ay bibigyan din ng pagkakataon na makalusot sa traffic violation ang mga driver kung:

  • Fast driving due to a medical emergency to rush to a hospital for immediate care
  • Pursuit of a suspect in a crime who is fleeing or just fled the scene of a crime
  • Rushing home or to a workplace because of a fire or other disaster
  • Serious to gross defects in the design of a road or bridge, as well as of traffic signs and warnings.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular