HomeSocial MediaPamilya ng mag-asawa na nasawi sa Marilaque at Toyota Hilux driver, posibleng...

Pamilya ng mag-asawa na nasawi sa Marilaque at Toyota Hilux driver, posibleng mag-ayos na lamang

Posibleng madaan na lamang sa aregluhan ang pag-uusap sa pagitan ng pamilya ng mag-asawang rider na nasawi sa Marilaque Highway at ang kampo ng driver ng Toyota Hilux pickup truck na nakabangga sa kanila.

Ito’y ayon sa ulat ng Santa Maria Police na rumesponde sa nasabing insidente.

Ibinahagi din nila na nasa kustodiya parin nila ang nasabing sasakyan.

algoso 1

Kinumpirma rin nila na hindi nasaktan ang driver sa nasabing insidente na nakunan pa ng dashcam footage.

Sa kanilang ulat ay sinabi rin ng otoridad na naisakay pa sa ambulansya ang mag-asawa ngunit hindi na ito nasagip pa.

Mayroon ding nadamay na isang motorcycle rider sa insidente ngunit hindi naman ito nasaktan.

Sa ngayon ay isa sa mga ginagawa ng Santa Maria LGU upang maging mas ligtas ang Marilaque ay ang pagpapalawak ng kalsada nito.

Naglagay narin sila ng mga road signs upang bigyan ng mas maraming babala ang mga motorista na dumadaan sa nasabing highway.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng nasabing pickup truck kung ano ang magiging susunod na aksyon nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular