HomeSocial MediaMga magulang, nagtulong-tulong para ipanawagan na patalsikin ang isang guro dahil sa...

Mga magulang, nagtulong-tulong para ipanawagan na patalsikin ang isang guro dahil sa ‘sobrang higpit’ nito

Isang grupo ng mga magulang sa Tantangan National Trade High School (TNTHS) sa South Cotabato ang nagtulong-tulong upang ipanawagan ang pagpapatalsik sa isang guro na nagtuturo doon dahil sa diumano’y pagiging mahigpit nito sa kanyang mga estudyante.

Ipinaskil sa mismong harapan ng gate ng nasabing eskwelahan ang isang tarpaulin na ang mensahe ay patalsikin ang guro na si Mrs. Haydee Ilao Paterno na nagtuturo sa Grade 9.

Ayon sa nasabing grupo ay marami silang dahilan upang ireklamo ang guro at isa na rito ay ang pagiging mahigpit nito at ang pananakot umano niya sa kanyang mga estudyante na ibabagsak niya ito.

315418807 5814321241944467 7003254531060463651 n

“Sa ngalan ng mga magulang at mag-aaral ng Tantangan National Trade High School, nakikiusap kami na paalisin nyo po ang guro na nagsisilbing SALOT at PESTE sa nasabing paaralan,” ayon sa grupo.

Pinapautang din daw ng guro ang kanyang mga estudyante ng pagkain at kung hindi sila makabayad ay ibabagsak niya ang mga ito.

Inireklamo rin nila ang pagpapauwi sa isa sa mga estudyante ng nasabing guro dahil sa style ng buhok nito.

“Sinisira nya po ang reputasyon ng aming school sa aming barangay hinahanapan nya po ng kamailan at isusumbong sa itaas. Alam po ng Kapitan namin ang ugali nya na naninira ng pangalan ng school. Isa po siyang LASON sa mga kabataan,” sabi pa ng grupo.

314406294 5814321138611144 2848449634537502943 n 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang DepEd tungkol sa nasabing panawagan.

Hinihintay naman ng mga netizens ang magiging tugon ni Mrs. Paterno sa panawagan na patalsikin siya.

Ilang netizens naman ang ipinagtanggol ang guro mula sa akusasyon ng grupo.

“For me magaling na teacher si mam hayds ..shes my teacher wen i was in college at ndmu ..yes strict talaga xa so u get good or high grades dats her way on molding, challenging students…at ngbbgay xa ng chances sa mga nababagsak…siguro meron ding mga students na matigas ang ulo kaya ganun dpat mgusap…tarpaulin is not d proper way..talk to her or let the principal discuss it in her/hs office…teacher is our second mother let us luv and respect them too,” sabi ni JP Ma na isa sa mga naging estudyante ni Mrs. Paterno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular