Home International Lalaki na nagsauli ng cheke sa kumpanya na nagkakahalaga ng 274 milyong piso, pinadalhan ng isang box ng candy

Lalaki na nagsauli ng cheke sa kumpanya na nagkakahalaga ng 274 milyong piso, pinadalhan ng isang box ng candy

0

Tila nanlumo ang isang lalaki sa Germany sa kanyang natanggap na pabuya mula sa isang malaking kumpanya na pinakitaan niya ng katapatan.

Sa ilang ulat, sinabi ng Anouar G, 38-anyos na napulot niya ang cheke na nagkakahalaga ng €4.6-M (P274,286,548) na pagmamay-ari ng candy company na Haribo.

Hindi diumano ito makapaniwala na nakapulot siya ng cheke na ganoon ang halaga sa isang train station ngunit ayon sa kanya ay nanaig parin ang kanyang katapatan at sinabihan nito ang kumpanya tungkol sa napulot niya.

haribo 3

Ayon sa kanyang kwento, sinabihan siya ng isang representative sa Haribo na punitin ang cheke at padalhan sila ng pruweba pagkatapos nito.

Sinabihan diumano siya na bibigyan siya ng pabuya ng kumpanya dahil sa kanyang katapatan kaya naman hindi ito mapakali kung ano nga ba ang gantimpala na ibibigay sa kanya.

Ngunit nanghina ito ng ang matanggap niya lamang ay isang box na naglalaman ng anim na pack ng candy na gawa ng nasabing kumpanya.

“I thought that was a bit cheap.” sabi ng Anouar sa isang panayam.

haribo 4

Giit ng lalaki ay sinagip niya ang kumpanya sa pagkalugo ng milyon milyon.

Paliwanag naman ng kumpanya ay hindi naman mawi-withdraw ni Anouar ang cheke dahil nakapangalan ito sa ibang tao.

“Since it was a named check, nobody but our company could have redeemed it,” sabi ng representante ng Haribo.

Ilang netizens naman ang binatikos ang lalaki at sinabi na sana’y hindi na ito umasa pa na makakatanggap siya ng malaking pabuya mula sa kumpanya.

Facebook Comments