HomeCelebritiesGen. Bantag, ipinaliwanag kung bakit may hukay sa loob ng Bilibid: "Ang...

Gen. Bantag, ipinaliwanag kung bakit may hukay sa loob ng Bilibid: “Ang plano namin do’n, deep swimming pool”

Inamin ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na siya ang nag-utos na hukayin ang isang bahagi ng Bilibid.

Sa isang panayam ng News5, inamin ni Bantag na mayroon niyang basbas ang nasabing proyekto.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang nasabing proyekto dahil sa makikita na mayroon pang tila tunnel na hinuhukay na ang direksyon ay palabas sa Bilibid.

Paliwanag naman ni Bantag, gusto niya lamang magkaroon ng swimming pool sa loob NBP dahil sa mahilig siyang mag-dive.

“Alam ko ‘yon, ‘yong hukay na ‘yon. Ako rin nagpahukay no’n. Diver ako eh, scuba diver. Ang plano namin do’n, deep swimming pool,” ani Bantag.

Mali rin diumano ang kutob ni acting BuCor chief Gregorio Catapang na ang nasabing hukay ay tunnel palabas sa Bilibid.

bantag 6

Ayon pa kay Bantag ay gusto niya na maging pinakamalalim na swimming pool sa Metro Manila ang kanyang proyekto.

Malalim ‘yon, gagawin sana naming swimming pool. Ang dami naming scuba divers do’n. Master scuba diver ako eh. Kaya mahilig akong ano, gusto namin pinaka-deepest swimming pool sana dito sa Metro Manila siguro.” sabi niya.

Duda naman ang ilang opisyal sa naging paliwanag ni Bantag lalo na’t hindi parte ng trabaho ng BuCor na magtayo ng swimming pool sa loob ng NBP.

Isa na dito si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na kinuwestiyon kung ano ang silbi ng swimming pool sa loob ng Bilibid.

“Kung gusto mo talaga ng malalim na tubig kung saan mag dive ka, punta ka sa dagat. Bakit gagastos ka pa ng napakalaki para lang diyan sa gagawin mong pag paraktisan mo lang ng dive dive,” ani Dela Rosa.

“I don’t see the practicality of such project. Anyway, kung talagang may pondo, siguro dumaan ‘yan sa posisyon nila, pero kung walang pondo, isang question mark pa rin ang pagkagawa niyan,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular