Patuloy paring pinag-uusapan sa social media ang nangyari sa mag-asawa na sina Raymond at Paula Algoso habang binabagtas nila ang kahabaan ng Marilaque Highway na nasasakop ng probinsya ng Rizal, Laguna at Quezon nitong Nobyembre 13.
Nasasakupan ng Santa Maria, Laguna ang pinangyarihan ng insidente.
Dahil sa nangyari ay ulilang lubos na ang apat na anak ng mag-asawa kaya naman maraming netizen ang hindi maitago ang pagkalungkot.
Ilan namang malalapit sa pamilya Algoso ang nag-umpisa ng fundraising upang makakuha sila ng pondo para sa pagpapalibing sa mag-asawa.
“In memory of our Friends Paula Judi Nangyo Algoso and Raymond Jhogg Algoso , we are currently setting up a fund raising drive to ease the pain of their Families. I’m seeking and knocking on your kind heart for help to raise funds for their memorial services.” ayon kay netizen Gra Isa.
Nasa larawan ang buong impormasyon tungkol sa fundraising at maari ring bisitahin ang mismong profile ni Gra Isa.

Matatandaan na nakakuha ng libo libong reaksyon sa social media ang nangyaring insidente na nakunan pa ng dashcam.
Sa nasabing footage ay makikita ang pagtama ng motorsiklo ng mag-asawa sa harapan ng isang pickup truck.
Hiniling ng pamilya Algoso na sana’y mabura sa social media ang nasabing dashcam footage ngunit patuloy parin itong kumakalat.
Pinag-aaralan na ngayon kung ano ang maaring magawa ng mga LGU para maging mas ligtas ang pagbi-biyahe sa Marilaque na kilalang tambayan ng motorcycle riders tuwing weekend.