HomeCelebritiesMiss Universe 2018 Catriona Gray, agaw atensyon matapos lagyan ng ketchup ang...

Miss Universe 2018 Catriona Gray, agaw atensyon matapos lagyan ng ketchup ang Ilocos Empanada

Agaw atensyon sa social media ang isang larawan kung saan makikita si Miss Universe 2018 Catriona Gray habang kumakain ng Ilocos Empanada na mayroong ketchup.

Kuha ang nasabing mga larawan sa pagbisita ni Catriona sa Ilocos Norte kung saan ay sinalubong siya ni Governor Matthew Marcos Manotoc.

Parte ng pagpunta ni Catriona ay paggawa ng sikat na sikat na Empanadang Batac na paboritong kainin ng mga turista na pumupunta doon.

Iba ito sa Empanada na gawa sa Vigan na matatagpuan naman sa Ilocos Sur.

Nag-trending naman sa internet ang isang larawan na kuha ng VPI Travel Ilocos kung saan huling huli ang beauty queen habang nilalagyan ng ketchup ang empanada.

Nakakuha ito ng iba’t ibang reaksyon sa netizen dahil sa ang pangkaraniwang ipinapares sa empanada ay suka.

May ilan na sinubukan mag-ala beauty queen sa kanilang komento tungkol sa nasabing larawan.

“I ate at a school in Tondo, Manila, and their Empanada there is… it’s poor and it is sad. But I always taught myself to put a sauce on it. To look for vinegar or ketchup amongst the faces of the children and I would bring this aspect when I eat empanada and see situations with a silver lining. And if I could also teach people to be grateful, we will eat have a world where delicious empanada would grow and foster and diners would have a smile on their faces. Thank you.” wika ni Regin Palma.

Ngunit may isang netizen naman ang naniniwala na walang masama kung lalagyan ng ketchup ang empanada.

“I think that Vinegar and Ketchup has always had a good relationship with each other. We were colonized by Empanada and We have Vinegar and Ketchup even up to this day. And I think Ketchup is very welcoming in Empanada and I don’t see any problem with that at all.” sabi ni George Bailey.

Kahit mismong si Catriona ay napansin ang mga komento ng mga netizens tungkol sa nasabing larawan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular