HomeSocial MediaMag-asawa na bumangga sa isang pick-up sa Marilaque, nilinaw na hindi mga...

Mag-asawa na bumangga sa isang pick-up sa Marilaque, nilinaw na hindi mga motovlogger

Taliwas sa naunang impormasyon na inilabas ng aming news website ay hindi ‘motovloggers’ ang mag-asawa na sina Raymond ‘Jhogg’ Algoso at Paula Algoso.

Nilinaw ito ng mga malalapit sa mag-asawa na matatandaang nag-trending sa social media dahil sa pagkasawi nila habang binabagtas ang Marilaque na sakop ng probinsya ng Rizal at Laguna.

Ayon pa sa aming source ay talagang libangan lamang ng nasabing mag-asawa ang maglibot sa iba’t ibang lugar gamit ang kanilang motorsiklo.

algoso 1

Matatandaan na bago pa sila mag-biyahe ay nag post pa si Paula sa kanyang Facebook page ng kanilang larawang mag-asawa.

“Sunday ride! Keep us safe Lord!” aniya.

Matatandaan na nitong Nobyembre 13, bandang 11:30 ng umaga ay bumangga ang motorsiklo ng mag-asawa sa isang pickup truck.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay napaikot ang nasabing sasakyan habang agad namang nawalan ng malay ang mag-asawa.

marilaque highway 1 scaled

Naiwan nila Paula at Raymond ang kanilang apat na anak.

Hindi pa malaman kung ano ang nangyari sa driver ng pickup truck at kung may kinaharap ba itong demanda.

Sa ngayon ay pinag-uusapan sa social media kung ano nga ba ang maaring gawin ng mga LGU upang maiwasan ang parehas na insidente.

Ilan sa mga mungkahi ng mga netizens ay paglalagay ng rumble strips sa kahabaan ng Marilaque at pagdaragdag ng police visibility sa nasabing lugar.

Mayroon din naman na nagsabi na dapat ipagbawal ang mga motorsiklo sa nasabing lugar kada weekend dahil sa mga araw na ‘yon dumadagsa ang mga motorista.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular