HomeCelebritiesKris Aquino, hindi na umano makalakad at makagalaw ayon sa isang kolumnista

Kris Aquino, hindi na umano makalakad at makagalaw ayon sa isang kolumnista

Malabo diumanong makauwi sa Enero ang Queen of all Media na si Kris Aquino dahil sa hindi parin maganda ang kondisyon nito.

Ayon ito sa beteranong kolumnista na si Cristy Fermin na nakatanggap ng impormasyon tungkol kay Kris mula sa kanyang source.

Sa kanyang programang “Showbiz Now Na” sinabi ni Fermin na may mga iniinda pang karamdaman si Kris at wala pa ito sa kondisyon upang magbiyahe pabalik sa Pilipinas.

“Ang kanyang kuwento, papaano makakauwi si Kris Aquino sa Enero eh ni hindi nga siya makakain pa ng solido… Pangalawa, she cannot even move, she cannot even walk. Makalalakad lang siya kapag kasama ang PA niya or isang nurse,” sabi ng kolumnista.

“Mahina… Sa kanyang kuwento, kung babasahin mo talaga, punto por punto, hindi siya ganun kalakas pa. Hindi siya nakalalakad, kailangan niya ng hawakan, kailangan niya ng taong aalalay sa kanya,” dagdag niya.” dagdag pa niya.

Hindi rin diumano totoo na nadagdagan na ang timbang ni Kris katulad ng ilang nasa ulat.

Matatandaan na isa sa mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng host ay ang kanyang timbang dahil sa kailangan itong madagdagan upang maituloy niya ang kanyang pagpapagamot.

Sa huling ulat ay nasa 38 kilos na lamang ang timbang ni Kris.

“She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger.” sabi ni Ballsy Aquino.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular